Saturday, January 30, 2010

Ako na ang malupet.

Hindi ako yung tipo ng taong mahilig magsabi ng mga naranasan ko sa buhay na napaka-ouch in full detail. Pero parang feel ko ngayon. Bakit? Ewan. Napaka-deep lang siguro ng usapan namin ng kaklase ko kagabi. At napaisip lang ako... Ano kaya ang kalagayan ng buhay ko ngayon kapag di nangyari ang lahat ng ito sa akin? Walang thrill. Boring.

Ang tatay kong malupet.
Ang tatay ko ay isa sa mga pinaka-cool na tatay sa buong mundo. Seryoso. Ang dami niyang shades. Iba't-ibang klase, iba't-ibang kulay. Kung manamit siya, bagets kung bagets! Jogging pants, tight-fitted shirts... Sexy! Ang buhok niya, puti na. Yes. PUTI LAHAT. Minsan mukhang yellow. Minsan mukhang gold. Pero ang alam ko, puti talaga yun eh. Take note: Mas mahaba pa ang buhok niya sa buhok ko. Bale, napponytail niya na ito. Proud siya. Ang da best factor tungkol sa kanya kaya siya cool ay malapit na siya mag 50yrs old... At nag dodota parin siya. YES BOYS. DOTA. Adik siya sa dota. Photographer, Computer Artist. Cool kung cool talaga e. Pero minsan, hindi yun ang nagiging basehan ko kung bakit siya malupet (in a good or bad way). Malupet siya kasi may iba na siyang pamilya. Matagal na yun. Pagkatapos pa ko ilabas ng nanay ko. Benta nga eh. Hiwalay na sila nuon, pero sinundan pa ko ng dalawa. Hahahaha. Wala lang daw. Boring nga naman kasi pag dalawa lang kami ng kuya ko. Ako ang pinaka nagrebelde sa hiwalayan na ito. Nagwala ang aking kalandian at katamaran nung hayskul (paminsan kahit ngayon college). Pero okay lang. Good girl na ko ngayon. Sana, si Daddy din... Good boy na. 19yrs old na ko. Di parin siya natatauhan.

Ang nanay kong malupet.
Si Mama, malaki ang paniniwala sa "What God has joined together, let man not separate.” Ako din. Sa ilang taon ko nang pamumuhay, alam na alam ko na yan. Pero nagalit parin ako sa tatay ko. Hanggang ngayon, galit ako. Hindi lang ako yung tipo na nagsasabi ng nararamdaman sa taong kinauukulan. Haha. Eh ang nanay ko? Ay. Wala. Matagal niya nang napatawad si Daddy. Bukas na bukas ang pinto sa bahay namin at sa puso niya sa araw na magbabago si Dad. Hanggang ngayon, tuwing nandito si Daddy isang araw sa isang linggo, si Mama pa ang naglalagay ng toothpaste sa toothrush niya at si Mama pa ang naglalagay ng kanin sa plato niya. Talk about henyo? Nope. Hindi siya henyo. Hindi siya martyr. Ang Mama ko, isang halimbawa ng taong nagmamahal. Unconditionally. Marunong magpatawad.

Ang ex-boyfriend kong walang kasing lupet.
Eto na yun eh. Like father and mother, like daughter and her boyfriend. Ako naman kasi si magaling. Boboyfriend boyfriend, di naman alam ang kalokohang pinapasok. Mang-uunder ng boyfriend, magguilty, tapos magpapaunder para makabawi. Ang dami dami ko daw kasing kasalanan sa kanya. Ginawa ko lahat ng bawal. Kinakausap ko mga kabarkada kong lalaki, mga kaklase kong lalaki, nagshshorts ako sa labas, natutulog ako ng umaga na, NAGPIPINTA AKO NG KUKO KO. Bawal. Ang sama sama ko noh? Pero inayos ko naman. Kung ayaw mo, edi wag ko. Ginawa ko lahat. Pero di parin siya nakuntento. Hanggang dumating ang oras na hindi na siya nakapigil. Masyado ba siyang nagalit? O hindi lang siya makatiis bilang lalaki? Madami paring tanong sa utak ko hanggang ngayon. Bakit nga ba. Bakit siya nang BLUETOOTH ng iba. ANG LUPET NIYA. Matino akong babae. V na V pa. Kung ang hanap niya ay yung laspag na, WHY NAT COCONAT. I stand my ground. Hindi ako papatol hangga't hindi ako handa. Oo, minahal ko siya. Ewan. Unconditionally nga ba? Ang alam ko lang, sinubukan ko maging katulad ni Mama. Pero hindi ko pa kaya. Bata pa nga ako. Baby pa.

Nakakainis. Ang galing ng tadhana at kinailangan niyang iparamdam sakin yung sakit ng pagiging resulta ng dalawang lalaking MALUPET. Pero bakit? Ang sabi nila, hangga't di ko pa natututunang mapatawad si Itay ng buong buo, mangyayari't mangyayari ito sa akin. Ang iba naman, kahit sino daw may kahinaan. At nagkataon lang na ang dalawang pinaka importanteng lalaki sa buhay ko ay pareho ng "weakness".

Ang say ko naman, WHY ME? BAKIT ME? WHY AKO?
Kasi hindi ako katulad ng malupet kong Mama.
Di pa ako marunong magmahal tulad niya.

Yan ang goal ko. Ang maging katulad ni Mama.


7 comments:

Anonymous said...

Hello Pau. Si Jolo nga pala ito. Gulat ka, 'no? Hehe. (Or maybe not.)

Actually, hinanap ko yung talaga luma mong blog kasi gusto ko sanang makita yung mahabang comment ko nung pinag-iisipan mong lumipat sa UP. Hindi ko pala siya na-save sa aking mga files. Medyo proud kasi ako sa moment na yun eh. (Ang kapal din ng mukha ko, 'no? Hehe.) Sayang at mukhang nabura mo na pala. Kaya napadpad ako dito sa bagong blog mo.

Aaaanyywaaayyy, ang masasabi ko na lang eh, maganda itong nailalabas mo ang mga hinanakit mo sa buhay. Alam ko namang marami ka pang matutunan at matutuklasan sa sarili mo at sa iba pang mga tao.

There are just things that come with age and experience. Heartbreak and the subsequent loss, void and pain being one of them. Recovering from all those is a valuable learning experience, as I'm sure you know by now.

Tama na nga ito at madaling-araw na. Hehehehe. Kaya mo yan! :))

Anonymous said...

hi pau.

this is me tapping at your window..

lets just say that at one point in my life i know what it feels like to be cheated and seeing your "used to love one" be taken away by someone else..

and i have learned that all things happen for a reason.. and whatever happens we always have to keep moving forward and learn from our past experiences..

for every tear that we shed we grow and little stronger..

i dont know what really happened between you and your family/ you and your ex-boyfriend...

but what i know is that just like your mom, you truly know the meaning of love..
and fosho IKAW NGA TALAGA ANG MALUPET!

love is patient, love is not jealous, love is not resentful, love is enduring whatever trials may come.. -fr.mayong

PEACE OUT~

Pau said...

@Kuya Jolo

Define SHOCKED. Ako na yun. Seryoso. Opkors di ko pa dinedelete yung blog na yun. Hindi pwede. Dapat lang ma-proud ka at isa ka sa mga nagpush sakin na tumuloy. Look at where I am standing now... Actually nakaupo lang ako. HAHAHAHA. JOKE. Pero pano mo nahagilap to'? Natats ako! PRAMIS!!

That's absolutely true. Ang dami dami ko pang pagdadaanan. I'm not sure if I'm ready. But I know there a lot of people na handang sumalo sa akin kung sakaling di ko kayanin. At ang masasabi ko lang tungkol sa 3rd paragraph, FO SHIZZLE. THAT IS TAGUSH TAGUSH!! As in very well said. Thank you so much for reminding me.

Salamat talaga sa pagbisita. Matagal-tagal na panahon na. May anak ka na ba? Hahaha. Joke lang syempre. Pero seryoso. Wala akong masabi. SALAMAT LANG TALAGA. Mag-iingat ka Ninong (naks)! XD

Pau said...

@Anonymous #2

I know who you are. And I am absolutely glad that I do.

You're right. Sometimes I just forget that things do happen for a reason. Naiimpatient lang siguro ako kasi ang tagal i-reveal ang reason na ito. Hahaha.

But kidding aside, thank you for appreciating me like that. Ako I don't feel na ganun ako magmahal. But maybe someday mapproud ako to say na marunong na ako magmahal ng totoo. And this is because of people like you.

FOSHO, ISA KANG MALUPET NA KAIBIGAN. ;)

Haha. Fr. Mayong FTW! LOL.

citybuoy said...

"Hindi siya henyo. Hindi siya martyr. Ang Mama ko, isang halimbawa ng taong nagmamahal. Unconditionally. Marunong magpatawad."

napaka ganda nito. sabi nila, kung may bayad lang ang pagiging marytr, mayaman na ang pilipinas. mali sila. kung may bayad lang mag-mahal ng lubusan (naks.. haha), yayaman tayo.

"Hindi ako papatol hangga't hindi ako handa."

very good yan. very good! :D

Pau said...

@Citybuoy

Yun yun ehh! Nakuha mo! Hahaha. Gusto ko yan. Ibang klase talaga ang pinoy! Walang katulad! ;)

Thanks. Very good talaga dapat. Harhar.

Anonymous said...

Hi there! I was wondering if you would consider posting an article of mine. It's about an up and coming band about to enter mainstream this year. They are currently working with D.Bascombe, the producer/ mixer who has collaborated with Kylie Minogue, Natalie Imbruglia, Verve, Suede, etc.

I'm willing to pay $0.10 via PayPal for your efforts. :) I'm providing you the article and pics, including a free mp3 of the band's song. :D The article may also help drive a different population demographic to your site, which will hopefully further increase your readership. :D

Tell me if you're interested in posting my article. Please email me at doc_alma_jones [at] yahoo [dot] com. And feel free to erase my comment after you've read it. Thanks for your time!

Cheers,
A.J.