Hindi ako yung tipo ng taong mahilig magsabi ng mga naranasan ko sa buhay na napaka-ouch in full detail. Pero parang feel ko ngayon. Bakit? Ewan. Napaka-deep lang siguro ng usapan namin ng kaklase ko kagabi. At napaisip lang ako... Ano kaya ang kalagayan ng buhay ko ngayon kapag di nangyari ang lahat ng ito sa akin? Walang thrill. Boring.
Ang tatay kong malupet.
Ang tatay ko ay isa sa mga pinaka-cool na tatay sa buong mundo. Seryoso. Ang dami niyang shades. Iba't-ibang klase, iba't-ibang kulay. Kung manamit siya, bagets kung bagets! Jogging pants, tight-fitted shirts... Sexy! Ang buhok niya, puti na. Yes. PUTI LAHAT. Minsan mukhang yellow. Minsan mukhang gold. Pero ang alam ko, puti talaga yun eh. Take note: Mas mahaba pa ang buhok niya sa buhok ko. Bale, napponytail niya na ito. Proud siya. Ang da best factor tungkol sa kanya kaya siya cool ay malapit na siya mag 50yrs old... At nag dodota parin siya. YES BOYS. DOTA. Adik siya sa dota. Photographer, Computer Artist. Cool kung cool talaga e. Pero minsan, hindi yun ang nagiging basehan ko kung bakit siya malupet (in a good or bad way). Malupet siya kasi may iba na siyang pamilya. Matagal na yun. Pagkatapos pa ko ilabas ng nanay ko. Benta nga eh. Hiwalay na sila nuon, pero sinundan pa ko ng dalawa. Hahahaha. Wala lang daw. Boring nga naman kasi pag dalawa lang kami ng kuya ko. Ako ang pinaka nagrebelde sa hiwalayan na ito. Nagwala ang aking kalandian at katamaran nung hayskul (paminsan kahit ngayon college). Pero okay lang. Good girl na ko ngayon. Sana, si Daddy din... Good boy na. 19yrs old na ko. Di parin siya natatauhan.
Ang nanay kong malupet.
Si Mama, malaki ang paniniwala sa "What God has joined together, let man not separate.” Ako din. Sa ilang taon ko nang pamumuhay, alam na alam ko na yan. Pero nagalit parin ako sa tatay ko. Hanggang ngayon, galit ako. Hindi lang ako yung tipo na nagsasabi ng nararamdaman sa taong kinauukulan. Haha. Eh ang nanay ko? Ay. Wala. Matagal niya nang napatawad si Daddy. Bukas na bukas ang pinto sa bahay namin at sa puso niya sa araw na magbabago si Dad. Hanggang ngayon, tuwing nandito si Daddy isang araw sa isang linggo, si Mama pa ang naglalagay ng toothpaste sa toothrush niya at si Mama pa ang naglalagay ng kanin sa plato niya. Talk about henyo? Nope. Hindi siya henyo. Hindi siya martyr. Ang Mama ko, isang halimbawa ng taong nagmamahal. Unconditionally. Marunong magpatawad.
Ang ex-boyfriend kong walang kasing lupet.
Eto na yun eh. Like father and mother, like daughter and her boyfriend. Ako naman kasi si magaling. Boboyfriend boyfriend, di naman alam ang kalokohang pinapasok. Mang-uunder ng boyfriend, magguilty, tapos magpapaunder para makabawi. Ang dami dami ko daw kasing kasalanan sa kanya. Ginawa ko lahat ng bawal. Kinakausap ko mga kabarkada kong lalaki, mga kaklase kong lalaki, nagshshorts ako sa labas, natutulog ako ng umaga na, NAGPIPINTA AKO NG KUKO KO. Bawal. Ang sama sama ko noh? Pero inayos ko naman. Kung ayaw mo, edi wag ko. Ginawa ko lahat. Pero di parin siya nakuntento. Hanggang dumating ang oras na hindi na siya nakapigil. Masyado ba siyang nagalit? O hindi lang siya makatiis bilang lalaki? Madami paring tanong sa utak ko hanggang ngayon. Bakit nga ba. Bakit siya nang BLUETOOTH ng iba. ANG LUPET NIYA. Matino akong babae. V na V pa. Kung ang hanap niya ay yung laspag na, WHY NAT COCONAT. I stand my ground. Hindi ako papatol hangga't hindi ako handa. Oo, minahal ko siya. Ewan. Unconditionally nga ba? Ang alam ko lang, sinubukan ko maging katulad ni Mama. Pero hindi ko pa kaya. Bata pa nga ako. Baby pa.
Nakakainis. Ang galing ng tadhana at kinailangan niyang iparamdam sakin yung sakit ng pagiging resulta ng dalawang lalaking MALUPET. Pero bakit? Ang sabi nila, hangga't di ko pa natututunang mapatawad si Itay ng buong buo, mangyayari't mangyayari ito sa akin. Ang iba naman, kahit sino daw may kahinaan. At nagkataon lang na ang dalawang pinaka importanteng lalaki sa buhay ko ay pareho ng "weakness".
Ang say ko naman, WHY ME? BAKIT ME? WHY AKO?
Kasi hindi ako katulad ng malupet kong Mama.
Di pa ako marunong magmahal tulad niya.
Yan ang goal ko. Ang maging katulad ni Mama.